So, inihaw, I consulted some history majors on my mailing list, to respond to PIMP PIMP's comments:
Pimp: "This may apply to the Austronesian ethnic groups, that is the Malay. But you must also keep in mind that there is a lot of Chinese culture that has permeated the sexual culture of the ”native" groups even before and during the arrival of the Spaniards. And as we know, the Chinese are confucian and patriarchal in their way of life, so this has a lot of influence in the sexuality of women. One just has to look where most of these Chinese settled, and you will see the conservativism of women who are the forebears of the Chinese influenced ancestors."Me: So my question is, were the Chinese here in great number pre-Spanish times? And did they wield any influence outside of the Manila area?
History major Mark: Unang una sa lahat, sino / ano ang batis mo ng mga pahayag na ito? Ang Malay ay isang “misnomer”. Ang teorya ni H. Otley Beyer na “Waves of Migration” ay matagal ng sinalungat ng panibagong pag-aaral ni Peter Bellwood kung saan wika ang ginamit niyang basehan ng migrasyon ng mga tao sa Asya. Malaking bahagi ng mga mamamayan sa Timog-Silangang Asya ay kabilang sa mga tinatawag na uring Austronesyano at hindi Malay. Maaaring tumukoy lamang ang Malay sa mga naninirahan sa Tangway ng Malay nhunit hindi sa kabuuan ng Asya.
Ang mga “Confucianism” ng mga Tsino ay isang pilosopiyang nagtatakda o nagbibigay ng pagpapaliwanag sa mas maayos na pakikitungo o “social relationship.” Kabilang ditto ang ugnayan sa pagitan ng asawang lalaki sa asawang babae. Subalit hindi maaaring sabihin na ditio maiuugat ang pagiging patriyarkal ng mga sinaunang grupong etniko sa kapuluan ng Pilipinas sapagkat kung tutuusin, mas nauna ang mga Muslim na dumating sa kapuluan. Ang pagiging konserbatibo ng mga kababaihan sa Pilipinas ay likas na sa kultura nito. Masasalamin ang konseptong ito sa mga epiko ng bawat lalawigan. May tinatawag ngang ”binukut” o mga babaing nakakubli lamang sa loob ng tahanan. Dapat ding tandaan na ang mga mangangalakal na Tsino ay hindi naman talaga naglagi sa kapuluan. Sa panahon ng pakikipagkalakalan, iniiwan lamang nila sa dalampasigan ang kanilang mga kalakal at binabalikan na lamang sa itinakdang panahon. Nalagi lamang ang mga Tsino rito ng magkaroon ng isang tiyak na lugar para sa kanila noong panahon ng kolonyalismong Espanyol. Halimbawa nito ay ang parian.
May mga lugar sa Pilipinas partikular ang mga lugar-kalakalan ng pinupuntahan ng mga Tsino subalit hindi sila dito naglalagi ng matagal. Maliban na lamang noong panahon ng Espanyol kung saan itinakda ang isang lugar para sa kanila.
---------------
Pimp: "There are also variations in the gender culture of malay and non-malay (negrito) tribes. Some of them are feminist, while some are patriarchal. "
"Hence, during the Spanish conquest, some defeated tribes where easy to converty to Christianity because the teachings were advantageous to the male-dominated Datu-ruled societies. While female dominated Babaylan ruled ones had to be violently suppressed and converted through Spanish inquisition methods."Me: This last bit is really ridiculous. Anyone care to answer?
History major Mark: Alam mo ba na hindi agad agad tinanggap ng mga sinaunang katutubo ang Kristiyanismo? May mga pag-aalsa lalo na sa Kabisayaan (Tapar, Bancao, etc.) na nagnanais na ibalik ang sinaunang kaayusan – ang katutubong paniniwala.
Bukod sa mga datu, isa rin sa mga naagawan ng kapangyarihan sa pagdating ng mga Espanyol ay ang mga babaylan na nagpasimula ng mga pag-aaklas na lumaganap sa Kabisayaan at sa ilang bahagi ng Mindanao. Ang mga babaylan ay mga sinaunang pari na namamahala sa institusyong panrelihiyon at may malawak na impluwensiya at kapangyarihan sa sinaunang lipunan. Ngunit sa pagdating ng mga Kastila, sila’y naagawan ng katungkulan at pinalitan ang dating pananampalatayang anituismo ng doktrinang Kristiyano. At upang lalong mapaigting ang pagtanggap sa bagong paniniwala ay siniraan ng mga prayleng ito ang mga babaylan at tinagurian silang mga bruha at mangkukulam. At pati ang mga kanilang mga ritwal ng panggagamot at pakikipag-ugnayan sa mga anito ay sinabing pakikipag-usap daw sa mga demonyo kaya ang mga ito’y hindi dapat paniwalaan at sundin.[1] Dahil dito, ang mga babaylan ay nagdaos ng sarili nilang mga pag-aalsa bilang pagtatanggol sa katutubong paniniwala at dahil na rin sa pagkadimaya ng mga ito sa mga bulaang pangako ng kaginhawaan at kapayapaan sa banyagang relihiyon.
Pinasimulan ni Tamblot ang pag-aalsa ng mga babaylan noong 1622 nang mahikayat niya ang humigit-kumulang dalawang libong mamamayan ng Bohol laban sa bagong relihiyon. Ipinahayag niya na tutulungan sila ng mga diyos at diwata na makamit ang masaganang buhay na walang tributo at bayad sa simbahan kung sila’y babalik sa dating paniniwala. Sinunog nila ang mga simbahan dito at at kinuha at sinira ang mga krus at rosaryo bago sila nagtago sa kabundukan. Ang pag-aalsa ni Tamblot ay nasupil ng mga katutubong sundalong ipinadala ni Don Juan de Alcaraza, ang alcalde mayor ng Cebu.
Sinundan ito ng pag-aalsa ni Bancao noong 1622, dating pinuno ng Limasawa na nagpabinyag at naging Kristiyano sa pagdating ni Legaspi noong 1565. Ito ay naganap matapos niyang konsultahin ang isang babaylan upang hikayatin angn mga nasasakupan na patalsikin ang mga Kastila at bumalik sa dating relihiyon. Lumawak ang sakop ng pag-aalsang ito mula sa Carigara hanggang sa ibang parte ng Leyte. At tulad din ng nangyari sa Bohol, daan-daang mga Pilipinong sundalo angang ipinadala mula Cebu sa ilalim ng pamumuno ng opisyal na Kastila upang labanan ang mga nag-aalsa.
Medyo kaiba ang naging takbo naman ng pag-aalsa ni Tapar na isa ring babaylan sa Panay noong 1663 sapagkat kahit na ang layunin nito’y ang pagbabalik sa dating relihiyon sa tulong ng mga anito at diwata, ay nagkaroon ng “pag-aangkin”[2] sa ilang elemento ng Katolisismo tulad ng pagtatalaga niya ng katauhan ng Diyos Ama, Diyos Anak, Diyos Espiritu Santo at Birheng Maria. Mahalagang banggitin na ang tinutukoy ditong pagbabagong-buhay ay kapapalooban ng mga pangyayaring “supernatural” tulad ng pagiging isda ng mga dahon, ang balat ng kahoy ay magiging tela at ang ‘di pagputok ng mga baril ng kalaban. Tila hindi pa kinukwestiyon ang mga pangyayaring ito noong mga panahong iyon dala na rin marahil ng malakas na puwersang ipinamalas ng mga babaylan at ang malalalim na ugat ng natibistikong paniniwala.
Bagama’t ang pag-aalsa ni Juan Sumuroy sa Samar noong 1649 ay bilang pagtutol sa pagpapadala ng mga lalaking trabahador sa mga pagawaan ng galleon sa Cavite, kakikitaan din ito ng katangiang panrelihiyon sapagkat ang ama ni Sumuroy ay isang babaylan na masasabi ring nagbigay ng direksyon sa anyo ng pag-aalsa.[3]
Bilang karagdagan, mapapansin sa mga pag-aalsa nila Tamblot at Sumuroy na maliban sa pagnanais na bumalik sedating kaayusan g panrelihiyon, may malaking papel na ginampanan ang malaking suliraning pang-ekonomikong nag-uugat sa paniningil ng buwis at ng sapilitang paggawa at ang epekto nitong lalong nagpahirap sa isang komunidad na hindi naman ganun kaunlad kung ihahambing sa mga kasabayan nito sa Luzon. Samaktuwid, ang mga pag-aalsang ito ng ilang mga babaylan ay maaaring nagkukubli lamang sa maskara ng natibismo[4] upang maitago ang materyal na ugat ng kanilang pagbangon – ang problemang pang-ekonomiko.
------------Me: Are the Luzon peoples really more male-dominated? Say, compared to other cultures in Europe?
Pimp: In reading history, you'll find that Luzon peoples are more male-dominated. That's why they were the ones that helped the Spaniards in conquering the Visayas and Mindanao."
History major Mark: Hindi dahil ”male-dominated” ang Luzon kung kaya’t sila ang ipinadala upang supilin ang mga pag-aalsa sa Visayas at Mindanao. Narinig mo na ba ang konseptong ”divide et impera”? Istratehiya ito ng mga Espanyol sa kanilang pananakop dahil na rin sa kakulangan ng tropang Espanyol na ipinadala sa Pilipinas. Ito rin ang masasabing ugat ng rehiyonalismo ng mga Pilipino.[1] Ferdinand Llanes at Rhina Boncocan, “Pakikibaka ng Bayan,” Kasaysayang Bayan: Sampung Aralin sa Kasaysayang Pilipino, (National Historical Institute at ng Adhika ng Pilipinas, Inc.: 2001). p.134.
[2] Llanes, p. 136.
[3] Llanes, p. 135.
[4] Constantino, p.112.
No comments:
Post a Comment