'Di ko namalayan nagdaan na pala ang 4th anniversary ng {caffeine_sparks}. Higit apat na taon na pala ako'ng nagba-blog. Huwaw. 4 years. Buong high school ko na yun. O di kaya buong undergrad. Kung may ipinanganak nu'ng February 2003, lumalakad at tumatakbo na ngayon. Hanggang kailan ko kaya ito magagawa? Biro mo, in theory, pwede ako'ng mag-blog hanggang sa mamaalam sa mundong ibabaw. So kahit matagal na'kong wala, ang talambuhay ko ay patuloy na maglalangoy-langoy sa kalawakan ng cyberspace. In theory, pwede'ng basahin ng mga anak ng anak ng anak ng anak ko. Yikes.
Ayaw ko na'ng basahin yung mga naisulat ko na, kasi mate-tempt lang ako'ng i-delete. Hindi ba palaging para'ng ang tanga mo nu'ng bata ka? Haha. Siguro 2-3 years from now, babasahin ko yung mga naisulat ko ngayon, ta's iisipin ko rin; "how naive" o "how stupid" o "how absurd." Siguro yun nga ang kagandahan ng blog, pwede mo'ng burahin at i-edit. Pwede mo'ng i-sanitise ang sarili mo. Pero ayoko'ng gawin, kasi hindi naman ganu'n ang buhay. Kaya nga, payo ko sa mga matagal na rito, 'wag n'yong na'ng i-review ang naisulat n'yo nu'ng bata-bata pa kayo. It simply isn't being fair to yourself. Obviously hindi na ikaw ngayon yung ikaw noon.
No comments:
Post a Comment