Monday, March 27, 2006

Mes chers élèves

L’université est un lieu, une chance, un étage où on pourrait trouver des coins du silence ou du bruit. On a un choix.

Il y a quelques ans, j’ai fini par apprécier le temps, l’occasion pour me découvrir, pour me voir reflétée dans les voix de mes enseignants et des personnages morts pour longtemps dans mes livres. J’ai appris à me regarder, sans peur, presque sans doute parce que j’étais chanceuse d’avoir quelques professeurs, assez illustrés, patients et inspirants pour me montrer le chemin menant à moi.

Que j’idéalise l’essence de l’université, de l’éducation est évidente. Car, qu’est-ce qui est cette institution sauf une maison des idéaux, dont les habitants vivent dans leurs esprits, leur philosophies? C’est un abri, un refuge où on est bombardé des croyances diverses, parfois affirmantes, souvent contradictoires. On choisit. C’est un monde irréel, mental, qui nous sépare des réalités dures de vie. De l’intérieur, nous regardons, nous apprenons, sans encombre, avec optimisme. Et c’est le but, l’espoir de cette institution abstraite, de ses agents concrets de donner naissance aux idéalistes.

La vie est incroyablement difficile. Est-ce qu’on peut se trouver face à ses réalités avec des yeux fatigués? Est-ce qu’on peut vivre dans une société où les jeunes n’ont plus le désir de changer le monde? Est-il par coïncidence que beaucoup de jeunes assistent aux manifestations, aux luttes pour changement ? À travers du monde, la voix des jeunes réclament à l’humanité d’améliorer la condition humaine.

J’affirme que dans l’école vous trouvez vos meilleures qualités et vos faiblesses les plus mauvaises. Vous discernez les idéaux desquels vous pouvez vous armer. Munis, plus ou moins prêts, certainement plein d’enthousiasme, vous quittez cette étape de votre apprentissage. C’est la seule espérance de vos enseignants que vous retenez la plupart de ces utopies, ces rêves, que vous ne perdriez pas la fougue au cours du boulot. Mes chers élèves, vous terminez vos études. C’est comme la fin du monde, non ? Vous avez peur, de la sévérité de vie. Vous avez peur de ne pas être capable de changer le monde, que le monde vous changerait. Mais ça, c’est la vie.

-----------

Sa aking mga mag-aaral

And pamantasan ay isang lugar, isang pagkakataon, isang hakbang kung saan matatagpuan ang mga sulok ng katahimikan o ng kaguluhan. Atin ang pasya.

Mga ilang taon na ang nakalipas, ako'y nagtapos. Pinasalamatan ko ang pagkakataong ang sarili'y matuklasan, na ang sarili'y masalamin sa mga tinig ng aking mga guro at ng mga tauhan sa aking mga libro na matagal nang pumanaw. Natutunan kong tingnan ang sarili na walang takot at pasubali 'pagkat ako'y mapalad sa aking mga magigiting na guro, mga ilaw na naghatid sa akin sa landas patungo sa pag-unawa.

Kung akin mang pagpitaganan ang halaga ng edukasyon, marapat lamang. 'Pagkat ano nga ba ang institutsyong ito kundi isang tahanan ng mga mithiin? Kung saan ang mga naninirahan ay nabubuhay sa kamalayan at pilosopiya? Isa itong kanlungan, sukuban, kung saan tayo'y palilibutan ng mga iba't-ibang paniniwala, minsa'y magkakatugma, madalas na magkakatunggali. Tayo ang namimili. Isa itong mundong nananahan sa isipan, naglalayong tayo'y sukluban mula sa pait ng tunay na buhay. Mula sa loob, tayo'y magmamasid, matututo ng walang balakid at puno ng galak. At 'di nga ba ito ang layunin ng pamantasan ng panaginip at ng mga guro nitong gising, na magtaguyod ng mga nananalig at nagmimithi?

Anong hirap ng buhay. Ngunit ito ba'y ating haharapin sa pamamagitan ng mga matang pagod? Maaari ba tayo'ng manahan sa isang lipunan kung saan ang kabataa'y napagod na sa pakikibaka laban sa mga pagkukulang ng daigdig? Hindi. 'Pagkat sa sandaigdigan ay patuloy ang kanilang pakikilaban upang makamit para sa lahat ang makataong antas ng buhay.

Sa pamantasan, inyong makikilala ang inyong lakas at kahinaan. Inyong aanihin ang mga mithiing inyong gagamitin sa buhay. Handa man o hindi, kayo ngayo'y mamamaalam sa kabanatang ito ng inyong kwento. Ang hiling lamang ng inyong mga guro ay ang pakaingatan n'yong huwag mapawi ang inyong pananalig at mithiin, na inyong pakaingatan ang inyong paninindigan. Aking mga mag-aaral, kayo ngayo'y magtatapos. Tila ba katapusan na ng mundo. Kayo'y nangingimi sa hirap ng panahon. Takot na 'di kayaning baguhin ang mundo, na ang mundo ang sa inyo'y magbabago. Ngunit, ganyan ang buhay.

No comments: