Tuesday, June 17, 2008

Upos

Itulog mo na lang kasi. O ikain. Hindi mapapawi ng hithit ng sigarilyo ang tawag ng kawalan. Ano ba'ng mainam na gamot sa 'yong karamdaman? Hindi mapakaling diwang naglalakbay, multong nagpaparoo't parito sa 'yong tahanan. Hindi mapawi ng ingay ng labas ang maigting na katahimikan sa 'yong kalooban. Kahit ano pa'ng panandaliang aliw, bakit hindi matakasan? Ano ba? Bakit mo kasi kinausap. Sinabi na'ng magtigil eh. Magtigil. Gumising ka na. Mamumuti ang mata mo sa kakahintay sa panaginip. Lintek na kamalayan. Bakit hindi magpirmi sa kasalukuyan? Sa ngayon, sa nandirito. Tama na'ng lakbay-diwa. Tama na.

No comments: