Paulit-ulit, paikot-ikot
Pilit na hinahabol
Ang puno't dulo
Mga tahi-tahing panaginip
Salansan ng mga anino
Kanino'ng palad
Kanino'ng anyo?
Gabing makinang
Lulan ng hagkan
Paulit-ulit, paikot-ikot
Sa'n ang dulo
Ng pising makislot
Ligaw ang amo
Hanapin, hanapin
Upang bigkisin
Ang natirang ningas
Sa kandila sa dilim
Gapusin, ihain
Palibutang mariin
Ang natitirang saysay
Sa kwentong matuling
Palusong sa parang
At doo'y magbibilang
Ng kung ilang ulit
Na lulubog, lilitaw
Ang buwan, ang araw
Paulit-ulit, paikot-ikot
Mga patak ng sandaling
Gumon sa mga hiyaw
Ng kaluluwang ligaw
Na naghahanap ng bukas
Na nagsimula na'ng nilagas
Ng kahapon
At ngayon
Paulit-ulit.
Paulit-ulit.
Pilit na hinahabol
Ang puno't dulo
Mga tahi-tahing panaginip
Salansan ng mga anino
Kanino'ng palad
Kanino'ng anyo?
Gabing makinang
Lulan ng hagkan
Paulit-ulit, paikot-ikot
Sa'n ang dulo
Ng pising makislot
Ligaw ang amo
Hanapin, hanapin
Upang bigkisin
Ang natirang ningas
Sa kandila sa dilim
Gapusin, ihain
Palibutang mariin
Ang natitirang saysay
Sa kwentong matuling
Palusong sa parang
At doo'y magbibilang
Ng kung ilang ulit
Na lulubog, lilitaw
Ang buwan, ang araw
Paulit-ulit, paikot-ikot
Mga patak ng sandaling
Gumon sa mga hiyaw
Ng kaluluwang ligaw
Na naghahanap ng bukas
Na nagsimula na'ng nilagas
Ng kahapon
At ngayon
Paulit-ulit.
Paulit-ulit.
No comments:
Post a Comment