Ang Kiukok, Mother and SonNais kong magbalik sa'yong sinapupunan.
Ang kalong mo'y 'di tiyak,
Ang yakap mo'y matamlay.
Kung maglalagi rito sa mundong ibabaw
Magbibilang ng araw
Ang katawan ko'ng nakaratay.
Iniluwal mo'ng bulag at pipi
Sa saliw ng naghihiyawan.
Paanong maglilibot ng palayo
Sa lingap ng 'yong kandungan?
Nais kong magbalik sa'yong sinapupunan
At na'ng sa loob mo ay hanapin
Ang nawawala, ang kulang.
Nais ko'ng imulat
Ang mga matang 'di sanay
At ibuka ang bibig
At magsimulang magsalaysay.
Sukubin mo ako ngayon
At iluwal kinabukasan.
'Pagkat 'di na kayang maglagi
Sa kalong mong mababaw.
No comments:
Post a Comment