Friday, November 30, 2007

Hero Complex

Manong Trillanes, kung ang pakay mo talaga ay isalba ang Pilipinas, hindi ka nasindak ng teargas at putok ng baril. Jusme. Kung gusto mo'ng magpaka-bayani, panindigan mo. Sayang naman ang machong tindig mo. Guwaping ka pa naman. Huwag mong hintayin ang pagdating ng mga tao, kasi kung ikaw lang din ang mamumuno ng "rebolusyon," huwag na lang. Ngayon, kung naglaban ka kahit man lang konti, pwede pa siguro. Pumili ka na kasi. Ano ka ba? Sundalo o Senador? Tagapagligtas ng bayan o mambabatas? Ano ba talaga kuya?!?

No comments: