Monday, April 24, 2006

On Bilingualism

Blog entries come to me while driving. It's probably because I can best hear my "voices" in the solitary confines of the car. At times the dialogue begins with the opening sentence, a catchy phrase. Most times it starts with ideas and images in my head. I imagined writing this post in Filipino and found I couldn't. At best, I can translate after writing this in English. A select few are truly bilingual in this country. Those lucky enough to have had a private education, or those, like me, who are linguistically inclined.

It is normal, for the bilingual elite, to communicate in English. It becomes something of an anomaly when viewed by foreigners. In Europe some years back, a friend and I were speaking in a mix of English and Filipino when a Swede classmate approached and asked us why we were speaking in English. The Japanese were lumped together speaking Nippongo, the Koreans speaking Han, the Germans, Deutsche. And here are two Filipinos speaking English when there was, in her eyes, no apparent need. Why indeed?

The Bilingual elite will most likely speak English when speaking of "intellectual" matters, and when I say intellectual I mean all things pertaining to the expression of ideas. This is so because English is the language of the academe. Most everything we learned in formal schooling; ideas, concepts, scientific and mathematical formulae, are learned in English. We simply do not have the linguistic tools to express ourselves in Filipino.

Rarely is Tagalog ever used in intellectual, let alone academic, discourse. Except maybe in the deepest recesses of UP. I once attended a lecture by Bomen Guillermo delivered entirely in academic Filipino. It seemed he was speaking a foreign language altogether! I felt not a little ashamed that I could barely understand what he was saying.

It is normal for the educated elite to think in English. Some will think in English all the time, while others, like me, think and use different languages for different occasions. For me, Tagalog, Pangasinense, sometimes Ilocano, are languages at home and in dealing with the certain life experiences. When dealing with the "servile classes" (waiters, maids, sales persons, jeepney drivers) one speaks in Tagalog. When dealing with peers, with superiors, in business and government, one speaks English.

For a select few, English is the only acknowledged language. I have taught kids of this select few. Tagalog to them is a language foreign, never to be spoken. Should they deign to speak it, they do so with hesitance, straining their untrained palate to roll their R's and open vowels. Tagalog is a different world, evoking alien life experiences, totally separate from their own reality.

In this country, speaking good English, can mean many things. It can express belonging to a certain class, a certain socio-economic category. Even inflections and accents in speaking Filipino can signal different things. I was channel surfing last Saturday chanced upon this interview on Star Talk. A certain male celebrity was speaking with the trademark not-rolled R in "parang" and "like...like..." I distinctly remember this celebrity speak with a "jologs" accent not too long ago. I suppose, in his dealings with various people in the entertainment industry, he has learned to speak a certain way, to be perceived a certain way.

In this country, there is a hierarchy of languages. English comes first, connoting privilege, education and progress. Tagalog comes in second, evoking images of the underclasses. All other Philippine languages are a distant third, connoting idyll and backwardness. Among Filipinos these languages serve as barriers separating, not only life experiences and realities, but people. For a country searching for common roots and the idea of a single nation, would it not better suit our needs to do it in one language? Or at least, to destroy the hierarchies of the tongues we speak?

(I will valiantly try to translate this in Filipino. Coming soon...)

---------------------

(Edited to add: April 25 12:30pm)

Ukol Sa Bilingualismo

Ang mga tala sa blog na ito'y nangungusap sa akin habang nagmamaneho. Marahil ito'y dahil mas mainam kong naririnig ang aking mga "tinig" sa katahimikan ng loob ng sasakyan. Paminsa'y nagsisimula ito sa isang pangungusap o di kaya'y nakatutuwang habi ng mga salita. Inisip kong isulat ang talang ito sa Filipino, ngunit nagkulang ang aking kakayanan. Mas mahusay ko itong maisasalin na lang siguro matapos kong isulat sa Ingles. Kaunti lamang ang tunay na bilingual sa bayang ito. Yaong mga mapalad na nakapag-aral sa mga pribadong paaralan, at, tulad ko, yaong may kakayanan sa mga wika.

Normal para sa "Bilingual elite" ang mag-usap sa Ingles. Ang nakasanayan ay nagiging kataka-taka sa mata ng mga banyaga. Sa Europa, ilang taon na ang nakararaan, lumapit ang isang Swede habang ako'y nakikipag-usap sa isang kaibigan, sa saliw ng Ingles at Filipino. Tinanong n'ya kung bakit raw kami nagsasalita ng Ingles. Hayon ang mga Hapon, nag-uusap sa Hapon, ang mga Korean ng Koreano, ang mga Aleman ng Aleman. Heto ang dalawang Pilipinong nag-uusap sa Ingles ngayong, sa kanyang tingin, ay 'di naman kailangan. Bakit nga ba?

Ang Bilingual elite ay malamang na gagamit ng Ingles sa usaping "intelektwal," at sa aking pakiwari, ang intelektwal ay tumutukoy sa pagpapahiwatig ng mga ideya. Ito'y marahil ang Ingles ang wika ng akademya. Karamihan ng ating natutunan sa mga paaralan at pamantasan; mga idya, konsepto, mga formulang siyentipiko at mathematical, ay natutunan sa Ingles. Kulang ang ating kaparaanang linguistic upang maipahayag ang ating mga sarili sa Filipino.

Madalang na gamitin ang Tagalog sa mga talakayang intelktwal, lalo na't akademiko. Maliban na lamang siguro sa pinakaloob-looban ng UP. Minsa'y nakinig ako sa isang lecture ni Bomen Guillermo na kanyang inihayag ng buo sa akademikong Filipino. Tila wikang banyaga ! Nahiya ako sa aking sarili 'pagkat halos 'di ko mawari ang kanyang mga sinabi.

Normal para sa mga edukadong elite na mag-isip sa Ingles. Ang ila'y gagawin ito ng palagian, at ang ilan, tulad ko, ay nag-iisip at gumagamit ng iba't-ibang wika sa iba't-ibang pagkakataon. Para sa akin, ang Tagalog, Pangasinense, paminsa'y Ilocano, ang mga wika ng tahanan at ng ilang sitwasyon. Sa pakikipag-usap sa mga "uring nagsisilbi," (mga waiter, katulong, tindera, tsuper ng jeep), ang isa'y gagamit ng Tagalog. Sa pakikisalamuha naman sa mga kaibigan, katrabaho, mga boss, sa larangan ng komersyo at gobyerno, ang ginagamit ay Ingles.

Para sa maliit na mangilan-ngilan, ang Ingles ay ang nag-iisang wikang gamit. Nakapagturo na ako sa mga anak ng mangilan-ngilang ito. Ang Tagalog para sa kanila ay isang wikang banyaga, kailanma'y 'di na dapat bigkasin. Kung talagang kailangang gamitin, ito'y nabibigkas ng may alinlangan, ang lalamuna'y pilit na ibubulalas ang 'di nakasanayan. Ang Tagalog ay ibang daigdig na kumakatawan ng mga ibang karanasan, hiwalay at kaiba sa lawak ng sarili nilang ginagalawan.

Sa bayang ito, ang pagsasalita ng Ingles ay maraming kahulugan. Maaari nitong ipahiwatig ang pagiging bahagi ng isang uri o kategoryang sosyo-economiko. Pati ang mga paraan ng pagbigkas at pananalita sa Filipino ay nagpapahiwatig rin ng ilang mga bagay. Noong isang Sabado, habang ako'y palipat-lipat ng channel sa TV, napanood ko ang panayam sa isang artistang lalaki sa Star Talk. Napansin kong ang artistang ito'y para nang kolehiyalang magsalita - ang pagbigkas ng R tulad ng sa wikang Ingles na pinalabukan ng kay raming "like...like..." Matuwid kong naaalala na ang artistang ito'y dating nananalita ng may puntong "jologs." Marahil sa kanyang iba't-ibang pakikisalamuha sa mundo ng showbiz, natutunan n'yang manalita ng ganito upang ikubli ang kanyang pinagmulan.

Sa bayang ito, may bai-baitang ang mga wika. Nangunguna ang Ingles na nagpapahiwatig nga pribilehiyo, edukasyon at progreso. Pumapangalawa ang Tagalog na nananalamin ng kahirapan. Malayong ikatlo ang iba pang mga wikang Pilipino, nagpapahiwatig ng mabagal na saliw ng kanayunan. Ang mga wikang ito'y nagsisilbing balakid na naghihiwalay, 'di lamang ng mga karanasan at kamalayan, ngunit ng mga mismong tao. Sa isang bayan na patuloy pa ring naghahanap ng matibay na diwa ng isang bansa, 'di kayat' makabubuting gawin ito sa iisang wika? O, kung 'di man, ang buwagin ang pagbabai-baitang ng ating mga wikang gamit?

No comments: