Tuesday, March 15, 2005



Liwanag

Ang lahat ay nagaganap
Sa panaganip,
Tulad natin.

Ngunit kailangang
Magising,
Imulat ang mata't
Tanawin
Ang mga pangarap
Na naglalaro
Sa kamalayang himbing.

Kung saan man
Umabot ang pananaw
Bagtasin.
'Wag matakot magtangkang
Ang lahat
Hamakin.
Dahil ikaw
Ay ikaw,
At ikaw
Ay magaling.

No comments: