Wednesday, March 16, 2005

Balitang Nakakayamot!

Matapos na paslangin ng ating kagila-gilalas at kagalang-galang na kapulisan ang 22 presong pinaghihinalaang mga miyembro ng walang-kamatayan at walang 'sing tinik na Abu Sayyaf, tila ambon na unti-unting lumalakas ang mga pahiwatig ng hinanakit ng ating mga kapwa-Pilipinong Muslim.

Ang kadalasa'y nanahimik at abala lamang sa pag-smuggle at pagbenta ng ating mga paboritong Debedeh, ngayon ay malapit na yatang maghimagsik sa sama ng loob dulot ng engkwentrong ito.

Ang tangkang pagtakas ng mga preso noong Lunes ay umabot sa pag-hostage ng kulungan, ang Camp Bagong Diwa. Ang pag-iiringan sa pagitan ng dalawang grupo ay umabot din ng 24 oras, at tuluyang tinuldukan ng ating matitikas na pulis noong Martes.

Kung 'di ba naman ginagamit ang PhD-utak ni Presidente GMA, kanya pang pinuri ang madugong bakbakan na walang-awang kumitil sa 22 buhay ng kapwa n'ya Pinoy. Siguro kase, nagpapabango na naman sa mga Kanong puros "terrorismo" ang nasa utak. Ay, ang mga gunggong.

Ayon sa balita nitong gabi, malakas ang ugong na maaaring bumuwelta ang Abu Sayyaf. Bantay-sarado naman ang mga daungan, paliparan at malalawak na pampublikong lugar bilang paghahanda sa maaaring karahasang maganap.

Sa akin namang palagay, bukod sa paghihiganti laban sa pulisya, nasaring din ang "pride" ng mga Abus, kung kaya't tuloy ang pataasan ng ihi. Ay, ang mga gunggong!

Kung 'di mag-iingat ang ating mala-dwendeng Pangulo, maaaring pagmulan ito ng "civil unrest" mula sa ating mga kapatid na Muslim. Kung ganito man ang mangyayari...paano na ang supply ng ating mga Debedeh?!?!?

No comments: