Hangganan ng mga Hagkan (Tula para sa Yosi)
Upang ika' y tuluyan nang malimot, dapat na siilin ang panaghoy ng nakaraan. Mga alaala ng sandaling pagniniig, ng iyong yakap at ng aking pangangailangan. Silab ng marubdob mong hagkan ay pilit na'ng dapat ibaon. Mainam na ako'y umalpas sa mapanirang uri ng 'yong paghilom.
At mapanghilom nga, at tila mainam ang 'yong dulot na lunas. Sa lahat ng sakit na dati'y mariing dinanas. Sa mga pagkakataong walang kaibigang makausap at makapiling , tahimik mong kinanlong ako at ang bigat ng aking damdamin.
Ngunit panahon na upang ako'y mamaalam. Sa bilangguan ng iyong lingap ay dapat lang na lisanin. Tapos na ang mga araw na sa'yo lang nananahan ang sagot sa lahat ng bawat sakit at inakalang kakulangan.
Ito na ang hangganan ng ating munting sayaw. Ikaw na nagsilbing tukod sa pilay ko'ng mga binti. Sa susunod na tayo'y magkita muli, sana nga'y maluwag ang aking pagtanggi.
No comments:
Post a Comment