Paglalayag
Takda ng ibayong panahong
Pagtagpuin kamalayang uhaw
Sa pagkalinga't kagalingan
Sa kalayuan ay natanaw
Na makadaupang palad
Ang sa layo'y di masukat
Damdami'y naglalayag
At patuloy na dumadaloy.
Na akuin ang hindi ukol
Na libakin ang kapalaran
Mga balakid ay isantabi
At panandaliang kalimutan
Ang malao'y di gamay
Kinabukasa'y panaginip
Ngunit patuloy na naglalakbay
Naglalayag na pilit.
__________________________________________
Sa kabutihan ng loob
Sa kabutihan ng loob
Dakilang nilulukob
Ang sakit ng iba'y pasanin.
Sa kung hanggang saa'y dadalhin,
Kahit na walang sinsakit, pipilitin.
Sa kabutihan ng loob
Dalisay ang tao,
Malaki man o maliit
Bobo't matalino,
Pantay-pantay ang pagtingin,
Kahit iba't iba ang saloobin.
Sa kabutihan ng loob
Tiwala'y walang patid
Palalagpasing pilit
Lahat ng pagkukulang.
Samantala'y dito nalalaman
Kung ano't sino ang mainam.
Sa kabutihan ng loob
Hinihinang ang lakas
Sa bawat sakit na pinalalagpas
Pag-unawa sa sarili't iba'y lumalawig.
Tibay ng didbib at pag-unawa'y nag-aanib
Pinsalang dulot ng tadhana'y pinapatid.
Sa kabutihan ng loob.
No comments:
Post a Comment