Ayon kay Department of Agrarian Reform Nasser Pangandaman Sr., ang nakatatandang manlalaro ng golf na si Delfin De la Paz ang nagpasimuno ng bugbugang naganap sa Valley Golf Club noong kapaskuhan.
Hindi umano nagkasya si De la Paz sa paghataw ng payong sa anak ng DAR Secretary na si Dayunior, bagkus ay tumawag pa ng resbak. Sa loob ng clubhouse naganap ang ikalawang yugto ng bakbakan kung saan hinarap na muli ng 56 años na golfer, sampu ng kanyang matipunong 14 años na anak na si Bino at ang talaga namang fit-na-fit na manghahataw na si Bambee, si Mayor Dayunior at ang tropang body guards nito.
Lakas loob na ipinagtanggol ni Dayunior ang sarili, sa talaga namang kahindik-hindik na galit ng mga De la Paz. Buti na lamang at hindi nakapasok sa club house ang resbak ng mga De la Paz - na nagdala pa umano ng baseball bat, steak knife at palo-palo. Hindi nga naman maipagkakaila ang takot at nerbiyos na naramadaman ng mga Pangandaman kung kaya't bumunot ng baril ang mga bodyguard ng mga ito. Sa pagtatanggol sa sarili, hindi nga naman maiiwasang magkasakitan at magtamo ng mga pasa at duguang tainga ang tatay at ang bata.
Sa kasulukayan ay humihingi ng kaunting hinahon ang DAR Secretary mula sa walang habas na pangangawawa ng mga bloggers sa pamilya nito. Nasasaktan daw ang damdamin ng pamilya sa bala ng mga maaanghang na pananalita na tinamo dahil sa bugbugang naganap.
Ang di magkamayaw na mga Pangandaman ay talaga namang nalugmok na sa kailaliman ng pagkabalisa na'ng pati ang mga magsasakang Pilipino ay humingi ng pagtiwalag nito sa puwesto. Ang mga walang habas at malupit na mga magsasaka ay 'di na raw dapat pa'ng sumawsaw sa isyu. Manahimik na lamang sila at magdildil ng asin sa mga said na bukirin at naibasura na nga naman ang Comprehensive Agrarian Reform Program.
No comments:
Post a Comment