Sa mga "move on" crowd at sa mga "mamemeke ng people power," pwede ba pag isipan n'yong mabuti kung gusto n'yo ng demokrasya. Eto simpleng-simple, pag-isipan n'yo.
“To be a democrat is to have faith in people, to believe that people have inalienable rights to make decisions for themselves, and to be committed to the notion that all people are equal in some fundamental and essential way (Grugel 2002: 12).”
Ngayon, kung 'di kayo naniniwala sa ganito, hala sige, magsitalon na kayo sa bangin. O sumakay kayo sa barkong ipapahanda ko papuntang Africa. Baka doon mas may silbi pa kayo.
At sa mga taong tulad ko na kamot ng kamot ng ulo habang tuluyang nasusuya sa mga nangyayari, pwede ba pag-isipan n'yo rin ito. Kung feeling n'yo hindi n'yo kayang magdesisyon para sa sarili n'yo, kung feeling n'yo merong mas marunong at magaling sa inyo sa larangan ng pamamalakad ng bansa, kung feeling n'yo wala kayong maitutulong kahit konti, hala sumakay na kayo sa bapor ko. Magsaka kayo sa Malawi. Magtanim ng kape sa Kenya. Mamitas ng saging sa Zimbabwe.
At sa mga nag-fee-feeling na tulad ko. Pag-isipan nating mabuti hane? Hanggang sa makurta ang utak nating lahat. Sige magreklamo kayong lahat. Bawal lang ang sumuko.
Bwiset.
No comments:
Post a Comment