May minsang nagtanong sa'kin kung bakit mas gusto ko ang IPE (International Political Economy) kaysa sa mainstream IR (International Relations). Napa-isip tuloy ako. Oo nga naman, bakit kaya? Ang IR kasi sinasagot ang mga tanong nga kung ano ang pinagmumulan ng digmaan sa pagitan ng mga bansa. So ang pinag-uusapan dito kung paano pigilan ang conflict, paano mapapaigiting ang kapayapaan. Medyo "masculine" ang mainstream IR kasi puro security issues ang mga paksa.
Ang IPE ang tinatanong - Paano yayaman ang bansa mo sa isang mundong tumatakbo sa sistemang kapitalista? Ano ang koneksyon ng nangyayari sa loob ng bansa at sa mga nangyayari sa abroad? Meron ba'ng connect? (Naturalmente meron) Ano ang koneksyon ng pulitika at ang paglikha ng yaman (wealth creation)?
Since wala naman tayong kaaway kundi sarili natin, ano nga ba naman ang logical na pagka-intersan ko?
Hemingway, pagdamutan ninyo ang talatang ito mula kay Barry Clark - Political Economy A Comparative Approach:
Because government can supersede the market’s distribution of income, citizens may attempt to use governmental authority to benefit themselves. Moreover, this process often becomes self-reinforcing.Hindi dapat ganito pero ganito ang katotohanan ng Pilipinas ngayon. Ang malaking tanong, hahayaan na lang ba natin magpatuloy ito? Ano? Aalis na lang ba tayong lahat? Maglilipana sa kung saan-saang dako ng mundo?
As some individuals or groups gain benefits from government, other citizens conclude that money flows to power, and power requires organisation. Interest groups proliferate and demands on government intensify.
This politicisation of the economy may contribute to disorder in two ways. First, productive resources are diverted to the political struggle for control of government, resulting in slower growth and reduced competitiveness. Second, when government becomes a major determinant of individual success in a society lacking consensus about social justice, resentment toward government erodes support for public authority.
Citizens perceive government as s imply a tool with which some groups maintain privileges at the expense of others. The combination of a sluggish economy and political alienation results in social disorder (Barry 1998: 15).
Ang tanong ko sa mga estudyante ko nu'ng isang taon bago ako umalis - bombahin na lang kaya natin ang Pilipinas at nang lumubog na sa Pacific Ocean? Tapos lahat tayo refugees...E di tapos ang problema 'di ba? Nagtawanan ang mga estudyante ko. Absurd nga naman ang tanong. Pero matapos ang hagalpakan - isa-isa silang nagbigay argumento kung bakit hindi dapat sumuko. Parang panatang makabayan ang dating ng mga litanya nila....
...Iniibig ko ang Pilipinas. Ito ang aking lupang sinilangan...ito ang tahanan ng aking lahi.....
No comments:
Post a Comment