
Ang angking talino ng mga manlilikhang ito'y 'di maikubli ng malabong rehistro ng digital camera sa telon o ang pangit na tunog. Kung minsa'y 'di mawari ang dialog, ang bawat kuha naman, ang bawat imahe ay nangungusap na rin. Basurang lumulutang sa ilog, ang mga talulot ng orchid, ang kutitap ng krismas lights, ang lasenggong nagpupumilit tumugtog ng kanyang obra sa sira at sintonadong piano.
Tulad ni Maxi na lugmok sa kahirapan, na pinalilibutan ng tila'y gabundok na mga balakid, ang pelikulang Pilipino ay pilit na muling bumabangon at lumalago. Suportahan natin ang ating dalaginding 'di dahil tayo'y obligado o kinukunsesya kundi dahil siya'y tunay na magaling.
Ito'y kwento ni Maxi, kwento natin, kwento ng pelikulang Pilipino. Maghandang humalakhak, magngitngit, maawa, tumangis. Maghandang mamangha. Manood kayo.
No comments:
Post a Comment