i dreamt of evil again. and i woke, a few minutes past 2 a.m. i dreamt of demons and ghosts chasing me. why do i always have nightmares each time i have an exchange with him? i texted him last night, partly because i was bored and antsy, partly because i missed him. sort of. and he texted me christmas but i didn't text back. so i said sometimes i catch myself missing you. but then im reminded of all the pain you've caused me. i dunno if you've got a short memory, but i'll never forget. so im starting my new year by burying old bones. including you.
to which he replied, if that will help free you from your balls and chains. even though it pains me so.
i was irritated by his reponse because i felt him say it through his teeth. it felt suspiciously like a lie. so i said, you didn't have to say that. i don't believe it anyway. it was childish, spiteful. but i felt insulted. was it because i was expecting a different response? maybe i was disappointed. was i expecting him to say "i missed you too?" or something equally as syrupy?
he then responded, believe you what you want. whatever i say you wouldn't believe anyway. to which i texted back, because your word means nothing. ouch. i know. why couldn't i have been more diplomatic? because i'm still angry. sometimes seething. he hurt my pride. he hurt my ego after i risked everything to have him.
his last response wasthats your perspective and you're entitled to it. i didn't back after that. i hadn't spoken to him in such a long time and we ended up arguing. yet again. i am tired. i want to be free of him. my conscious mind says it. and my subconcious makes me see demons. when will i be free?
Wednesday, December 31, 2003
Monday, December 29, 2003
i am happy and sad to see 2003 go. this year has been a lesson in life's highs and lows. there was much i have learned about myself, about my relationships with people i love and abhor. this year has been the most eventful in my life. an awakening of sorts. this blog pretty much covered up my journey. a journey of death, life, love, heartbreak. i wonder what 2004 will bring. i am eternally hopeful.
Wednesday, December 10, 2003
maligayang pasko
"mababaon din sa limot," o di kaya "maghihilom rin sa katagalan." sa pandinig parang kay hirap gawin. parang kay hirap limutin ang sakit na idinulot ng kay tagal. ngunit ang hindi alam ng kung sino man ang nagbibigay ng ganitong payo, at nang kung sino man ang makarinig, napakadali. napakadaling ipa-isantabi ang mga hinanakit upang ipagpaliban ang kagalingan.
halos dalawang taon ang lumipas na hindi ko halos s'ya nakita o nakausap. simple lang, umalis ako sa bahay ng walang paalam. ang iniisip ko ng mga panahong iyon? ayaw ko nang umabot sa pagkakataong masagot ko s'ya nang pabalang. tama na ang isang beses na akala ko'y pagbubuhatan n'ya ako ng kamay. umalis na ako sa bahay na 'di na magpang-abot ang aming galit.
halos dalawang taon. noong una'y hindi n'ya alam kung saan man kami ng aking kapatid. sa katagalan malamang ay tinanong n'ya rin kay mama. ngunit di s'ya tumawag. di n'ya ako inusisa kung bakit. marahil, nainintindihan n'ya ang mga dahilan. marahil, ayaw n'ya nang marinig.
malinaw sa aking alaala ang huling pagkakataong s'ya'y aking nakita. nakaupo ako sa harap ng computer. madaliang tinatapos ang report ko para sa klase kinabukasan. di ko namalayang pumasok s'ya sa pinto ng sala. bago pa noon, marahil ilang buwan na rin ang nagdaan na di kami nagkita. nagulat ako. napatda. ganoon din s'ya. tila umagos ang panahon ngunit sa katunaya'y ilang segundo lamang ang lumaro sa pagitan namin. ilang segundo ng
katahimikan. napansin kong para s'yang tumanda ng ilang taon. at bakas sa kanyang mukha ang bawat isa sa mga ito. malumanay ang kanyang mata, na para bang may takot. bakit s'ya natakot sa akin? gayong ako ang may pakiramdam ng takot at hiya sa kanya.
napatigilan s'ya sa may pinto. para bang ayaw nang tumuloy nang makitang ako ay nasa sala. nakawala ako sa aking pagkagulat at naibulalas ang mahinang "hi pa." di ko nakayanang ngumiti man lang. tila nanigas ang bawat laman ng aking mukha. tahimik s'yang lumapit sa akin at tiningnan ang monitor. "tinatapos ko lang report ko para bukas." lumingon ako. nakatingin sya sa aking ginagawa. may kung anong dahilan at inihain ko ang aking mukha sa kanya, at may kung anong dahilan na naintindihan n'ya na nais kong humalik. tumungo ang aking tatay at dumampi ang labi ko sa kanyang pisngi. na hindi ko ginawa ng halos dalawang taon. nanikip ang aking didbib ngunit di ako naluha. madaliang tumalikod ako at nagkunwa'y may tiningnan sa monitor. lumayo s'ya at binuksan ang ref, kumuha ng tubig. "susunduin ko lang ang mama mo." ilang sandali pa ay dumating ang aking nanay, at saka sila na'y umalis. iyon na ang huling sandaling nakapiling ko ang aking tatay.
tatlong linggo ang lumipas mula ng gabing 'yon nang dahilan sa init ng ulo, at marahas na pagmamaneho ay sumalpok ang kanyang sasakyan sa may edsa-balintawak. halos dalawang taon. napakadaling makalimot ngunit paano kaya maghihilom?
sa ika-24 ay birthday n'ya sana. unang paskong wala s'ya. ilang buwan pa....mga una na wala na ang aking tatay. sa ngayon, maligayang kaarawan at maligayang pasko.

Subscribe to:
Posts (Atom)